⧫H A P P I L A R⧫
- Walang kwentang section
- napakaduming classroom
- walang mga respeto
- laging usapan sa faculty
- maingay
- immature
Kami yun. simula Mediatrix, piat, grace at hanggang ngayon. pilar. sa apat na taon namin sa cmic lagi kaming pasakit sa mga teacher. yes aminado kami. kasi ganto talaga kami.
masiyahin. maingay. magulo, makalat, immature lahat ata ng sakit sa ulo nasa section nanamin. pero hindi nila nakikita kung gaano namin kamahal yung isa't isa.umpisahan natin sa pagiging mediatrix namin.
MEDIATRIX
unang section namin sa cmic. lahat kami transferree. kahit isa samin walang galing na dun sa cmic dati. yes nakakapanibago. ibang mukha ibang pakikisalamuha. nagsimula sa introduce yourself. nakilala ang lahat pero pangalan lang. halos lahat napakahinhin na student. nakilala na din namin yung mga teachers na makakasama namin sa unang taon ng pagiging highschool. hanggang sa nagkalagitnaan na ng taon. may mga nagbago na yung dating akala mo di makabasag pinggan. yung iba ganun padin. nagkakaroon na ng tropa tropa. yung classroom na yun punong puno ng tawanan. walang araw na hindi tatawa ang lahat. hindi lang naman puro tawa ang naranasan namin sa classroom na yun. puro saway ng mga teacher at laging galit yung mga teacher. pero yung di namin makakalimutan sa lahat yung time na minaliit kami ng teacher namin sa math. ng dahil lang sa madumi yung classroom sasabihan na kami ng bobo. sobrang sakit sa pakiramdam yun. first year namin sa cmic pero never namin naging kaclose yung kabilang section. ibang iba kasi sila sa amin. adviser namin gustong gusto na kaming sukuan dahil sa sobrang galit na sa amin. naalala ko pa nun gumawa kami ng surprise para sa kanya pero kinabukasan ganun padin so sayang effort. wala na akong masyadong maalala nung mga taon na yan. masyadong toxic yung year na yan.
PIAT
Pangalawang year na namin sa cmic. sobrang saya ng section na to. may mga nalipat ng section. may mga umalis. at may nagstay.
guess who sino yung adviser namin dito???
Maaamm joaan. shookt kami nung first day ng class first flag ceremony bilang piat kasi sobrang sungit niya that time tsaka ang liit. napaisip ako what if kung sumuko agad samin yung bago naming adviser. HAHAHAHAHA pero joke lang yun. first day of class again so ibig sabihin introduce yourself nanaman. walang katapusang introduce yourself HAHAHA. pagkatapos nun shookt uli kami bcs alam niya yung tropa tropa lalo na yung niggas tsaka fuh friends. alam niya din yung nangyari nung grade 7 kami. so ayun nakilala na talaga namin yung kami. yung makikita mo na kung gaano kami kakulit kung gaano kami kagulo pero may naramdaman akong kakaiba bago magfoundation. feeling ko ayun na yung pamilya ko. kasi sobrang naging isa kaming lahat. hindi dahil sa gusto naming manalo sa foundation kundi maging isang buong pamilya kami. sobrang saya namin that time kasi nanalo kami against sa kabilang section kung paano nila kami maliitin nung grade 7 pinamukha namin na kaya naming manalo. hindi lang sa manalo pati nadin sa pagiging isa naming pamilya. sobrang punong puno din yun ng memories kasi nagkaroon kami ng panibagong tropa bcs iniwan kami nung niggas na akala namin magiging buo hanggang dulo. pero alam naman namin na may reason kung bat kailangan umalis tsaka may dadating and ayun nga dumating yung mcje sobrang mahal na mahal ko sila. andaming masasayang memories na hindi dapat at never naming kakalimutan. hanggang sa muli PIATOT.
GRACE
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento