GIRLFRIENDS

MC . J . E . M . E . JA . G

  • Mary Christine Delos Santos
  • Jisca Ann Espiritu
  • Eanna Abarro
  • Mariah Cassandra Hernandez
  • Eunice Santiago
  • Jna Alyssa Ashley Valenzuela
  • Guila Mari Barrera

Pabebe?, maarte? HAHAHA wala ata sa katawan namin yan! HAHAHA. eto yung mga babaeng makikita mong kung makatawa wagas, mga green minded minsan, barahan kung barahan, staight to the point kung magsalita, asaran lahat! pero higit sa lahat natuto kaming pahalagahan kung anong meron kami. yun ay yung pagiging magkaibigan namin. Andami ng pinagdaanan jusq. takot na mawalan. 


Sa CMIC nagsimula ang lahat. bago magkaroon ng MCJEMEJAG nagkaroon muna ng NIGGAS. 1styear kami nagkaroon ng tropa tropa. yung feeling na sa umpisa lang pala kayo matibay pero pagdating ng kalagitnaan wasak na. hindi pala talaga kami yung magkakabarda. siguro pinaranas lang ni Lord kung paano magkaroon ng maraming kaibigan. yung tipong paparanas lahat ng problema tapos sabay sabay niyong haharapin. nagkahiwalay hiwalay na nung 2nd year may mga nalipat ng section yung iba lumipat ng school. yun na ata kami nagkaroon ng pinaka mahirap na problema. yun ay yung nawala yung mga connection ng iba sa amin. pero kaming lima nagiging matibay parin kasi alam naming kakayanin namin lahat. simula nung nawala ang niggas! mas naging masuri na kami sa mga taong kakaibiganin namin. lima kaming original yung dating 14 or 16 na niggas naging 7 nalang yung tipong putulin na lahat wag lang communication naming pito.ang name pa ng GC namin non UNDER CONSTRACTION kasi nga konti nalang kami kaylangan pang irenovate parang bahay pagnasira kaylangan mong iayos at patibayin ang bawat pundasyon. akala namin kami na talaga mag kakatropa kasi walang lungkot na nagaganap pag magkakasama kami. kasi puro tawa, lait at kung ano ano pa ang mga araw na magkakasama kami. pero bawat tawa at lait na nagagawa namin may kasamang lungkot at problema. yung time na nagpaalam na sila samin na ayaw na nila kasi magkakaroon na sila ng bagong kaibigan. hindi na kami yung magpapatawa sa kanila di nanamin sila makakasama sa bawat gala. alam naman namin na magkakaroon sila ng bagong kaibigan pero yung masakit yung pinutol na nila yung closure naming 7 nagalit kami sa kanilang dalawa kasi pito na ngalang kami mangiiwan pa. naging lima nalang kami. hanggang sa makahanap kami ng panibagong kaibigan. pinakita namin sa kanila na kahit mawala sila samin kaya namin. pinakita din namin na kahit anong mangyari matibay at magiging matibay parin kami. dito nabuo ang MCJEMEJAG


MC.J.E.M.E.JA.G HAHAHAHA ang gara noh. nanggaling yan sa papa ni ynah. pinagsama samang first letter ng pangalan namin. ang akala namin kami lang talaga yung kalog nung mga panahon na yun kasi kami lang yung babaeng walang arte sa katawan hanggang sa makita namin yung dalawang may tinatagong kalog sa katawan actually yung isa lang yung mahinhin don kasi yung isa isip bata hahaha joke. nakilala namin si jisca at cassy. pero bago ko sila ipakilala kami munang original hahaha joke.

MARY CHRISTINE aka YNAH ito yung nanay nanayan namin sa school kasi mataba hahaha joke. siya yung gumawa ng NIGGAS hahaha tapos siya din yung banko naming lima kasi siya yung may pera lagi. summer kilala ko na to pero di kami naging close kasi mahiyain pa ko so ayun. sa lahat ng problema kasama namin siya. laging nagbibigay ng advice pag may ganto ganyan hahaha. ILOVEYOU TUBS, YOBABLABS!

JNA ALYSSA aka ashley babaeng ubod ng kalog at ubod ng kasungitan parang BIPOLAR. maganda itong babae na to pero sawi sa pagibig pare parehas kami hahaha. kasama ko na to simula grade 6 pero di ko alam na sa cmic din siya magaaral. kami yung naging magbestfriends don pero ngayon si jisca na hahaha okay lang may abarro naman ako hahaha. kasama nanamin siya nung niggas pa. eto yung babae na maganda na matalino pa yung tipong kakatapos lang magreview wattpad agad (magkakasama kami nila jisca ng gawain wattpad)tapos siya din yung babaeng straight to the point magsalita, tapos siya din yung babaeng kailangan palagi siyang tama hindi dapat mali. tapos siya din yung tipong siya lang may karapatang magalit sayo hahaha joke. pangit din ugali ni jna eh sungit sungit parehas sila ni jisca. ILOVEYOU BESHYY.

EANNA JAZREEL masaya kasama itong babae na to. yun lang masasabi ko hahaha joke. si eanna bestfriend ko yan. masaya talaga siyang kasama kahit san mo siya ilagay. lagi ko siyang pinagmamalaki kay loren kasi kahit malungkot ka gagawa ng paraan para lang maging masaya ang araw mo. pangit araw mo pag walang eanna abarro na kasama. siya yung babaeng masiyahing tao, kalog, confident sa sarili. favorite line niya (ang ganda ko) hindi marunong magalit. dati unang pagkakilala ko sa kanya natawa agad ako. akala ko nung una hindi ko siya magiging kaibigan. pero ngayon bestfriend ko. pero minsan nagaway kami niyan akala ko kaya kong wala siya pero tangina hindi pala. isa din siya sa mga happy pill ko. nakasama ko sa lahat ng bagay kahit na hindi pa kami nakakarating sa gitna ng buhay pero di ko alam gagawin ko pag umalis ang isang eanna abarro. hindi ko pa siya nakikitang umiyak. thankyou for being there for my side beshyy! ikaw yung magiging bestfriend ko habang buhay kahit magkahiwalay tayo pagdating ng senior highschool. wala ng hihigit na bestfriend sa buhay ko. kahit lagi mong hinahanap si jna or cassy okay lang basta ako ikaw lang hahanapin ko ILOVEYOU MY HAPPY PILL, MY HONEYBUNCH, MY BESTFRIEND, BESHYY, TUBOL!

GUILA MARI YAH TAEHYUNG!eto yung anghel sa tropa namin. yung dati hindi mo siya maririnig na magmura. eto din yung babaeng hindi kakain para lang sa concert ng bts! yung babaeng minsan lang namin makasama sa gala. eto din yung babaeng muntik ng mawala sa amin. yung bigla nalang wala ng guila mari sa araw namin nasa ibang grupo na. yung tipong dinaig yung kabute sa pasulpot sulpot. pero bumalik siya. akala ko hindi na siya babalik samin. pero bumalik siya kasi ayaw niya ng maranasan namin yung nangyari sa amin ng iba naming katropa dati. nakilala nanamin ngayon yung totoong guila yung wala ng insecurities pag kasama namin siya. eto yung babaeng kasundo ko sa fangirling sa darrening binibigyan niya ko ng advice nung mga time na gusto ko ng sumuko sa pagiging fangirl kay darren pero siya pinupush parin ako. advice lang siya ng advice. ngayong si tita yvette(mommy ni guila) suportado samin gusto niya samin lang si guila mari. ILOVEYOU TAEHYUNGIE! FROM JEON JUNGKOOK!

JISCA ANN siya yung tipong babaeng nene noon crush ng bayan ngayon. mahinhin dati kalog na ngayon. parang mala jna lang. nung una ayaw ni guila kay jisca kasi nga parang porket nakasama na siya samin magiging mayabang na siya.so ayun naging katropa namin siya hindi namin inexpect na ganon rin pala siya kakalog katulad namin. maganda si jisca crush ng bayan ih. pangit lang talaga ugali paminsan minsan. minahal namin at mamahalin pa namin itong babaitang ito kahit ganon ugali.

MARIAH CASSANDRA ganda ng pangalan noh. pero jusq yan yung babaeng kalog, isip bata, ignorante,OA lahat ata ng sakit ng ulo nasa kanya na. masaya siyang kasama. patay na patay kay nath. wala na kong masabi sa babaitang to kasi lahat kaya niyang gawin hahaha joke. minahal namin at mamahalin pa namin itong babaitang ito. 

Sila yung matatawag mong sisters! yung tipong kailangan sang ayon mmuna lahat bago mo gawin yung ganto at ganyan. yung tipong damay damay lahat. yung tipong kailangan sama sama. yung tipong bibilog sa likod para magkumpulan. 1year na kaming magkakasama. 1year na kaming sabay kumain. 1year na kaming nag aaway bati. 1year na kaming naglalaitan. 1year na kaming naghaharutan. 1year na kaming nagtatawanan. 1year nanamin nalulusutan yung mga problema namin. pero 1year nalang din kami magkakasama. 1year palang to nag uumpisa palang kami. pero parang nasa kalagitnaan na.
pag nakapag moving up na siguro feeling ko hindi ko kayang mabuhay ng wala sila. sana yung 1year na natitira kami parin yung magkakasama. sana sa 1year na yon magawa namin yung mga bagay na di pa namin nagagawa. yung bawat memories sana hindi makalimutan. sana sa 1year na yun masayaaaa! 


DEAR: MCJEMEJAG
Thankyou for being there for me for almost 3 years. thankyou hindi niyo ko pinagsawaan kahit minsan ampangit ng ugali ko. nang dahil sainyo natuto ako kung pano maging ako talaga. pinakita niyo talagang minahal niyo ko. walang kalimutan mga tubols ha! sana sa susunod na taon nandyan parin ako sa isip at puso niyo. kasi kayo lagi na kayong nasa isip at puso ko. mamimiss ko yung mga pinaggagawa natin sa room. sabay sabay kakain, magbibilugan sa likod, mag aaminan, mag hahawakan ng kung ano ano, magpaplano ng sabay sabay, magmumurahan, maghahanap ng pogi, maghaharutan sa daan at kung ano ano pa. hindi ko ata kaya ng wala kayo mga beshy. kulang na kulang araw ko pag wala kayo sa tabi ko. feeling ko ako nalang palaging magisa. thankyou sa memories kahit kelan hindi ko makakalimutan yun. thankyou sa mga advice. naging 2nd family ko kayo! sabi nila may mga taong aalis may mga taong dadating sana kayo nalang yung aalis tapos kayo nalang yung babalik pleaseee. ILOVEYOU MY GIRLS, BESHIES & TUBOLS. WALANG KALIMUTAN.

 Original :












Incomplete :






COMPLETE :





























































THANKYOUUU!











Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

2016